Thursday, July 7, 2016

A lesson to be learned, not an answered prayer

Thought you were an answered prayer.. turned out you were a lesson to be learned. I'm gonna embrace the pain for now and wear it like a fucking shimmering crown with my head held high.

Wednesday, July 6, 2016

Hindi sapat ang sobra.

Lahat ng kaya kong ibigay sa'yo, ibinigay ko.. kahit wala nang matira para sa sarili ko. Lahat ng pang-unawa, binigay ko kahit minsan hindi ko na maunawaan yung sarili ko. Lahat ng pagmamahal na kaya kong ipadama sa'yo, pinadama ko.. kahit ang sakit-sakit na. Buong puso, kaluluwa at pagkatao ko, ibinigay ko sa'yo.. kahit durog ba durog na ko.. kahit na hindi ko na alam paano pa mahalin ang sarili ko. Lahat ng luhang iniiyak ko, pilit kong itinago sa'yo kasi ayokong isipin mong napapagod ako. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, pinilit kong itago sa maskara ng mga ngiti ko dahil ayokong isipin mong nagrereklamo ako. Dahil mas gusto ko pa ring andyan ako sa tabi mo sa tuwing kelangan mo ko.. sa tuwing nalulungkot ka, nasasaktan ka at hinahanap mo yung sarili mo. Lahat ng mga plano ko, isinantabi ko kasi sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, willing kang magsakripisyo, diba? Even if that would mean postponing or giving up on your dreams. Mahal mo nga diba? Sabi ko sa'yo nun dati hanapin mo yung sarili mo.. kasi pano ka nga naman magmamahal ng isang daang porsiyento kung ikaw nga hindi buo diba? Pero ano bang nangyari? Iniwan ba kita? Hiniwalayan? Binitawan? Hindi diba. Pinagpilitan ko yung sarili ko. I chose to stay and be with you until you find yourself and what's missing. Pero totoo pala yung sinasabi nila, lahat ng sobra masama. I've been asking myself kung saan ba ko nagkulang.. Kung bakit nung ako na yung kelangan ng pang-unawa mo, binitawan mo ko? Nung ako na yung kelangan ng pagmamahal at assurance, tinulak mo ko palayo at iniwanan. Bakit ganun? Ano pa bang hindi ko naibigay? Saang aspeto pa ko nagkulang? Ano bang kulang? Pero naisip ko.. hindi pala ako nagkulang kundi sumobra. Sumobra ko sa pag-intindi sa'yo.. Sumobra ko sa pang-unawa.. Sumobra ako sa pagmamahal ko sa'yo kaya ka nalunod. Sumobra ako sa laging pag-aalala sa'yo na nakalimutan ko nang unahin at alalahanin yung sarili ko. Sumobra ako sa pagpapadama sa'yong lagi lang akong nandito kung kelangan mo. Sumobra ako sa pagsisisksikan sa sarili ko sa'yo na dapat pala eh iginugol ko sa pagbuo sa sarilo ko. Hindi ko naisip na nakakalunod pala ang sobrang pagmamahal. Ang gusto ko lang naman punan yung kulang sa isang daang porsiyento ng pagkatao at puso mo.. pero kahit kelan pala hindi ako magiging sapat sa isang taong kulang. Kahit kelan hindi ko dapat ipagpilitan ang sarili ko sa isang taong hindi sigurado kung anong kulang sa kanya.. kung anong nawawala.. kung pano pupunan yung kulang. Kasi paano ka nga ba naman magmamahal ng buong-buo kung ikaw mismo eh hindi buo? Ang hirap palang magmakaawa sa isang taong pinatigas na ng panahon.. magmakaawa at humingi ng pang-unawa sa isang taong hindi na willing umunawa. Tama naman na. Tama na yung unahin at unawain kita. Tama na yung sobra-sobrang pagmamahal ko sa'yo. Panahon naman nang sarili ko naman yung unahin ko, yung unawain ko, yung mahalin ko. Ako naman yung maghahanap dun sa nawala sa'kin dahil sa pagmamahal ko sa'yo. Pero wag kang mag-alala, hindi ko hahanapin sa ibang tao yung nawala sa'kin. Hahanapin ko sa sarili ko.. sa kaibuturan ng puso at pagkatao ko kung saan napunta yung nawalang ako. Kasi paano ka nga naman magmamahal ng buo kung ikaw mismo, hindi buo?

Sleep is my Refuge

It takes 21 days to form a habit, they say. As of this writing, only 36 hours have passed since we both agreed to part ways. It was a ...